pasok na!
[click on the pictures to navigate.]
[tag muna bago umalis.]
[bawal ang anonymous.]
[mag-enjoy sa aking mundo.]
Hell ang Fourth Quarter. Kasi naman, tambak na sa requirements. At syempre, bilang isang ultimate crammer, wala pa kong nauumpisahan na project. Ayoko na isa-isahin pa. Kawawa ka naman. tinay. (:
Friday, February 09, 2007
Third Quarter Grades. Binigay yung card weeks ago. Ayun, bumaba ang Pinoy, Music at Biology ko.
Ay. Oo nga pala, nagovernight kami nina Maeka, Hera, Joh, Buban at Leanne sa Grand Boulevard Hotel nung 20 ata yun. Ang saya, sobra. Nagbaywalk pa kami courtesy of Joh's parents na pumunta pa dun para ihatid yung mga damit niya. Kasi naman, take note, nung night before ko lang plinano yun at the day itself lang sinabi sa kanila. Nice. Haha! FUN FUN FUN! Sana maulit!
Naganap nga rin pala ang Math and Science Olympiad. Team Punungbayan ako kasama ng dalawang First Year at ni Rona Po. Ang galing namin tsumamba! First Place kami sa Quiz bee at Overall Champion ng Olympiad. Toink!
Nagkaroon nga pala ng malaking kaguluhan sa kada namin. At muntik na ngang mawala ang tinatawag na "Popperz". Pero salamat, naayos din. Iyon ay sa pamamagitan ng isang yakapan sa Yellow Cab. Oo, walang usap-usap.
Palihan kanina. Nagpunta kami sa Rizal. Ang saya, bitin nga lang. Nakipagsalamuha kami sa mga pamilya ng mangingisda. Sayang nga lang hindi pwedeng mamangka. Hmph.
Tapos na ko magpractical sa Speech. Debate. At ang motion namin, "THW rather change the government rather than change the lifestyle". Deputy PM ako. Ang hirap! Pati ang audience nahirapan. Tsk.
Sige na, awat na. Haha! Paalam.
7:28 PM